|
||||||||
|
||
Idaraos ang 2020 Spring Meeting ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB) sa pamamagitan ng teleconference .
Ito ang isiniwalat sa magkasanib na pahayag na ipinalabas Marso 3, 2020 ng IMF at WB.
Ayon kina Kristalina Georgieva, Pangulo ng IMF, at David Malpass, Pangulo ng WB, dahil nagiging mas malubha ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), idaraos ng IMF at WB ang teleconference para igarantiya ang kalusugan at seguridad ng mga kalahok.
Sinabi din ng pahayag na mapapanatili ang mabisang talakayan ng mga kalahok sa isyung pangkabuhayan sa buong daigdig.
Ayon sa plano, idaraos Abril sa Washington D.C. ang 2020 Spring Meeting ng IMF at WB, na lalahukan ang mahigit 10 libong personahe mula sa iba't ibang larangan ng buong daigdig.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |