Inihandog nitong Miyerkules, Marso 4, 2020 sa ika-43 pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang diyalogo sa special rapporteur sa isyu ng karapatan ng pagkaing-butil.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ng kinatawang Tsino na bilang pinakamalaking bansa sa daigdig at isang responsableng bansa, aktibong sumasali ang Tsina sa pangangasiwa sa pandaigdigang seguridad ng pagkaing-butil, buong tatag na nangangalaga sa multilateral na sistemang pangkalakalan, at nagpapatupad ng 2030 Agenda for Sustainable Development ng UN.
Patuloy na gagawa ang Tsina ng positibong ambag, para sa pangangalaga sa seguridad ng pagkaing-butil ng daigdig, at pagpapasulong sa komong kaunlaran, dagdag ng nasabing kinatawang Tsino.
Salin: Vera