Ipinalabas Marso 1, 2020 ng United Nations (UN) ang 15 milyong dolyares na pondo para sa iba't ibang bansa ng daigdig, partikular, para sa mga bansa na may mahinang sistemang medikal, upang pigilan ang paglaganap ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ipinahayag ng din UN na isasagawa ng World Health Orgnization (WHO) at United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF) ang mga kailangang aktibidad na kinabibilangan ng imbestigasyon sa kumpirmadong kaso at iba pa.
Pinapurihan ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng WHO, ang naturang pondo.
Ipinahayag naman ni Henrietta H. Fore, namamahalang tauhan ng UNICEF na gagamitin ang naturang pondo para suportahan ang pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataan, mga buntis at pamiliya sa buong daigdig.
Salin:Sarah