Sa isang news briefing kamakailan ng World Health Organization (WHO), nagpahayag si Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, ng pagkalungot sa mga kilos at pananalita ng stigmatisasyon sa proseso ng pagpuksa ng buong mundo sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Bilang bansang pinakamaagang nakatuklas sa epidemiya, nakakaranas ang Tsina sa pinakagrabeng pang-atake ng stigmatisasyon. Sa isang TV program kamakailan ng Fox News ng Amerika, sinabi ng anchor na si Jesse Watters na dapat humingi ng "pormal na paumanhin" ang mga Tsino, dahil umano sa Tsina nanggaling ang novel corona virus.
Sa katunayan, hindi tiyak ang tunay na pinanggalingan ng virus. Kahit saan man manggaling, tulad ng ibang bansang nagkaroon ng epidemiya, ang Tsina ay biktima ng virus, at nahaharap sa hamon ng pagpigil sa pagkalat ng epidemiya. Ang pagpuksa ng Tsina sa epidemiya ay nagpapakita ng kinakailangang responsibilidad ng isang responsableng bansa.
Sa katwiran ng epidemiya, nagpahayag ng paninira ang ilang media at pulitikong kanluranin sa karangalan ng Tsina, bagay na nagpapakita ng kani-kanilang paglapastangan, pagkiling at kamangmangan sa Tsina. Nagbubunyag din ito ng tangka nilang isapulitika ang epidemiya.
Salin: Vera