|
||||||||
|
||
Idinaos nitong Lunes, Pebrero 24, 2020 sa Beijing ang news briefing ng magkasanib na grupo ng mga dalubhasa ng Tsina at World Health Organization (WHO) sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Sa pananaw ng mga dalubhasang ito, isinagawa ng Tsina ang mga walang katulad na hakbangin sa kasaysayan, bagay na nagpatingkad ng malinaw na papel sa pagpapabagal ng pagkalat ng epidemiya at pagpigil sa pagpapalaganap ng virus sa pagitan ng mga tao. Naiwasan o naantala din ng mga hakbanging ito ang paglitaw ng ilandaang libong kaso ng pagkahawa ng COVID-19.
Sinabi ni Bruce Aylward, Mataas na Tagapayo ng Direktor Heneral ng WHO, na sa pagkakaalam nila, ang paraan ng Tsina ay siyang tanging matagumpay na paraang napatunayan ng katotohanan hanggang sa kasalukuyan.
Ang ganitong komento ay batay sa paglalakbay-suri ng 12 dalubhasang pandaigdig ng naturang grupo sa frontline o bungad ng laban ng pagpuksa sa epidemiya ng Tsina, kaya mayroon itong awtoridad at kredibilidad.
Hinangaan din ni Aylward ang kagila-gilalas na desisyong ginawa ng mga lider na Tsino, bentahe ng Tsina sa koordinasyon, at komong mithiin ng pamahalaan at buong lipunan sa proseso ng pagpuksa sa epidemiya. Ayon sa kanya, ito ang tunay na pagkakaisa.
Dahil sa lubos na pagbubuklud-buklod ng lipunan at bentahe ng sistema ng Tsina, hindi naganap ang kaguluhan o kawalang-kaayusan sa lipunan na dulot ng malubhang kalamidad o epidemiya.
Bilang isang responsableng bansa sa pandaigdigang kalusugang pampubliko, patuloy na patitingkarin ng Tsina ang bentahe ng sistema, buong lakas na pupuksain ang epidemiya, at ibabahagi sa iba't ibang panig ang karanasan nito sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |