Ipinahayag nitong Biyernes, Marso 6, 2020 ni Wang Jiangping, miyembro ng grupong pampatnubay ng Komite Sentral na ipinadala ng pamahalaang Tsino sa probinsyang Hubei para sa pagbibigay-patnubay sa pagpigil at pagkontrol sa kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), na sa kasalukuyan, sapat ang mga reserbang medikal na materiyal sa probinsyang Hubei na ganap na natutugunan ang lahat ng mga pangangailangan.
Sa isang news briefing na idinaos sa lunsod Wuhan nang araw ring iyon, sinabi ni Wang na sa pamamagitan ng pagpapanumbalik at pagpapalawak ng produksyon, mabilis na lumalaki ang kakayahan ng pagpoprodyus ng mga medikal na materiyal sa bansa.
Salin: Lito