|
||||||||
|
||
Ipinahayag, Marso, 8, 2020 ng World Health Organization (WHO), na bukod sa Tsina, umabot na sa 101 ang mga bansa at rehiyon na apektado ng Novel Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Dagdag pa riyan, abot na rin sa 24,727 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 at 484 ang namatay, anang WHO.
Samantala, ipinalabas ngayong umaga ng Timog Korea na 7,382 na ang bilang ng lahat ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dagdag nito, bumababa na ang mga bagong kaso, kaya dapat ipagpatuloy ang mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Ipinatalastas naman ng Iran na hanggang Marso 8, umabot na sa 6,566 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at 194 ang namatay.
Ayon sa pinakahuling balita ng Italy, umabot sa 7,375 ang lahat ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Tungkol dito, ipinahayag kahapon ng hapon ni Salvatore Farina, Chief of Staff ng Italian Army, na kumpirmadong nahawahan siya ng COVID-19, at kasalukuyan siyang nakakuwarentenas sa bahay.
Aniya, patuloy niyang isasakatuparan ang tungkulin, pero tutulungan siya ng ibang heneral sa ibang mga trabaho bilang kahalili niya.
Ayon naman sa balita ng Hapon, umabot sa 494 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, at 14 ang namatay.
Bukod dito, 696 ang kumpirmadong kaso sa Diamond Princess.
Sa Alemanya, tumaas sa 902 ang lahat ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 noong Marso 8.
Para sa Pransya, umabot sa 1,126 ang lahat ng kumpirmadong kaso kahapon.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |