Sa news briefing ng Joint Prevention and Control Mechanism ng Konseho ng Estado ng Tsina nitong Martes, Marso 10, 2020, napag-alaman ng mga mamamahayag na sa kasalukuyan, pinapabilis sa iba't ibang lugar ng Tsina ang pagpapatupad at pagpapanumbalik ng mga proyekto ng pagbibigay-tulong sa mahihirap, ayon sa estratehiya ng angkop na pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa magkakaibang rehiyon at antas. Pinapatnubayan din ang pagpapanumbalik ng kaayusan ng produksyong agrikultural sa mahihirap na rehiyon, para maigarantiyang maisasakatuparan ang tungkulin ng pagpawi ng kahirapan ayon sa nakatakdang iskedyul.
Hanggang sa kasalukuyan, napanumbalik na ang 1/3 ng mga proyekto ng pagbibigay-tulong sa mahihirap sa 22 lalawigan sa gawing gitna at kanluran ng bansa.
Inilunsad ng Tanggapan ng Pagbibigay-tulong sa Mahihirap ng Konseho ng Estado ng Tsina ang mga preperensiyal na patakaran sa subsidy at kredit para sa mga industriya at bahay-kalakal ng pagbibigay-tulong sa mahihihrap. Pinag-iibayo rin ang suporta sa iba't ibang elemento ng mga proyektong industriyal na gaya ng produksyon, pag-iimbak, paghahatid at pagbebenta.
Salin: Vera