|
||||||||
|
||
|
Pagkaraang dumating kaninang umaga, Martes, ika-10 ng Marso 2020, sa Wuhan, punong lunsod ng lalawigang Hubei, pumunta si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Huoshenshan Hospital, isa sa mga bagong naitayong specialist hospital para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Inalam ni Xi ang kalagayan ng pagpapatakbo ng ospital, pagbibigay-lunas sa mga may-sakit, proteksyon para sa mga tauhang medikal, at siyentipikong pananaliksik laban sa COVID-19.
Kinumusta rin niya ang mga may-sakit at tauhang medikal, at pinatatag ang kalooban ng lahat na patibayin ang kompiyansa sa pananalo sa paglaban sa epidemiya.
Si Xi ay dumating kaninang umaga ng Wuhan para sa inspeksyon ng mga gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng COVID-19.
Kukumustahin din niya ang iba pang mga tauhang medikal, sundalo, community worker, pulis, opisyal, at boluntaryong nangunguna sa paglaban sa epidemiya, pati na rin ang mga may-sakit at lokal na mamamayan.
Salin: Frank
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |