Makaraang dalawin ang Huoshenshan Hospital kaninang tanghali, Marso 10, 2020, pumunta si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Pangulo ng bansa, sa isang komunidad s lunsod Wuhan para kumustahin ang mga quarantined residents sa kani-kanilang tirahan at inalam ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at paggarantiya sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan.
Ipinaabot ni Xi ang kanyang pangungumusta at pasasalamat sa mga residente at mga kawaning nasa bungad ng pagpigil at pagkontrol sa epidemya ng COVID-19.
Salin: Lito