Geneva (local time) - Nitong Martes, Marso 10, 2020, nilagdaan ng Tsina at World Health Organization (WHO) ang kasunduan, kung saan ipinagkaloob ng Tsina sa WHO ang 20 milyong dolyares na pondo, para suportahan ang mga bansang may mahinang sistemang medikal at pangkalusugan sa pagpuksa ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Pagkaraang lumagda sa kasunduan, ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, ang paghanga sa ibinigay na tulong ng pamahalaang Tsino sa ibang umuunlad na bansa, sa masusing panahon ng pagharap ng buong mundo sa epidemiya.
Ani Tedros, sa harap ng bagong virus, maisasagawa ang karanasan ng Tsina. Nakita aniya ang tunguhin ng kapansin-pansing pagbaba ng epidemiya sa Tsina, at ito ay hindi lamang dahil sa kakayahang administratibo ng pamahalaang Tsino, kundi dahil din sa kooperasyon ng lahat ng mga mamamayan nito. Kung tutularan ng ibang bansa ang kilos ng Tsina, makokontrol ang epidemiya, dagdag niya.
Salin: Vera