Geneva—Sa regular na news briefing ng World Health Organization (WHO) hinggil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) nitong Lunes, Marso 9, 2020, sinabi ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng WHO, na sa kasalukuyan, kumakalat ang epidemiya ng COVID-19 sa mahigit 100 bansa't rehiyon sa daigdig, at lampas na sa 100,000 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso. Aniya, nagiging napakarealistiko ang banta ng pagiging pandemic ng epidemiya. Pero ito rin ang magsisilbing kauna-unahang pandemic na makokontrol sa kasaysayan.
Nanawagan siya sa iba't ibang bansa na magpunyagi hangga't makakaya upang puksain ang epidemiya.
Sa kasalukuyan, nag-abuloy ng pondo sa WHO ang mga bansang gaya ng Tsina, Azerbaijian, Timog Korea, Saudi Arabia at iba pa. Nangilak ang WHO ng halos 300 milyong dolyares na pondo para sa pagpuksa sa epidemiya ng COVID-19.
Salin: Vera