|
||||||||
|
||
Malalaman po ninyo ang hinggil sa pinakahuling impormasyon kaugnay ng COVID-19 sa FB livecast, na hando ni Rhio Zablan, reporter ng China Media Group Filipino Service.
https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/2962678300456428/
MARSO 12, 2020
PAKSA:
1. COVID-19, IDINEKLARANG PANDEMIC NG WHO: TSINA, HANDANG TUMULONG SA DAIGDIG
2. BAGONG DATOS
3. PAGLILINAW SA MGA TSISMIS KAUGNAY NG COVID-19
Paunang Salita: Ang tamang kaalaman sa novel corona virus, pagpapataas ng kamalayan sa pagpigil sa epidemiya, at pagpapalakas ng pagpuksa sa epidemiya batay, sa seryoso't siyentipikong pakikitungo ay makakatulong sa pagpapababa ng panganib.
PAKSA 1
* Idineklara kahapon ng World Health Organization (WHO) ang epidemiya ng novel corona virus disease 2019 (COVID-19) bilang pandemic.
* Ang deklarasyon ay base sa pagkalat ng epidemiya sa higit 114 bansa at pagkasawi ng mahigit 4,000 katao.
* Ito ang kauna-unahang pandemic na idinulot ng coronavirus, ayon kay Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus.
* Sa kabila nito, mariing hinimok ni Tedros ang lahat ng tao sa daigdig na huwag matakot dahil sa bansag na ito.
* Kahit naka-kategorya na bilang pandemic ang COVID-19, ang pagtasa o assessment sa panganib na maaaring idulot nito ay nananatiling pareho, at hindi rin nagbabago ang mga hakbang na ginagawa ng WHO, at mga hakbang na dapat gawin ng iba pang bansa laban dito, paliwanag ni Tedros.
* Kaugnay nito, palagian pong sinasabi ng pamahalaang Tsino na nakahanda itong tumulong, sa abot ng makakaya sa lahat ng bansa sa mundo na apektado ng novel corona virus.
* Kamakailan, idineklara ng Tsina ang pag-aabuloy ng $20 milyong dolyar sa WHO bilang tulong sa mga bansang may mahinang sistemang medikal.
* Bukod pa riyan, mahigpit na nakikipag-ugnayan ang mga ekspertong Tsino sa WHO, European Union, at African Union upang magbahagi ng kaalaman sa pagpuksa ng virus.
* Sa pamamagitan ng video conference, ibinigay na ng Tsina ang ika-7 bersyon ng treatment guidelines sa EU, ASEAN, SCO, Turkmenistan, Azerbaijan at Georgia.
* Maliban diyan, direkta ring nagbigay at nagbibigay ng tulong-medikal at pagbabahagi ng impormasyon at kaalaman ang Tsina sa mga bansang gaya ng PAKISTAN, JAPAN, SOUTH KOREA, IRAQ, IRAN, ITALYA, Cook Islands, Fiji, Kiribati, Micronesia, Niue, Papua New Guinea, Samoa, Solomon Islands, Tonga at Vanuatu.
* Nagpadala na rin ng mga ekspertong Tsino sa Iraq at Iran, at nakatakda na ring magpadala ng mga eksperto sa Italya, sa lalong madaling panahon.
PAKSA 2
* 1,318, bilang ng gumaling sa Chinese mainland, Miyerkules
* 62,793, pangkalahatang bilang ng gumaling sa Chinese mainland
* 15, bilang ng bagong kaso sa mainland ng Tsina, Miyerkules
* 14, 832, natitirang kaso sa mainland ng Tsina
* 80,793, pangkalahatang bilang ng kaso sa mainland ng Tsina
*11, bilang ng namatay sa mainland ng Tsina, Miyerkules
*3,169, pangkalahatang bilang ng namatay sa mainland ng Tsina
PAKSA 3
Tsismis: Mapanganib bang kumain sa Chinese restaurant, o tumanggap ng package mula sa Tsina?
* Dahil sa tsismis na ito, maraming may-ari ng Chinese restaurant sa buog mundo ang nagsabi na bumaba ang kanilang kita, magmula ng kumalat ang novel coronavirus, dahil kaunti na lamang ang mga nangangahas kumain sa kanila.
* Sa totoo lang, ang novel coronavirus ay kumakalat sa pamamagitan ng dalawang pangunahing paraan: direct transmission at contact transmission. Ang direct transmission ay paglanghap sa mga respiratory droplets, at ang contact transmission naman ay paghawak sa mga bagay na impektado ng virus, o paghawak mismo sa katawan ng impektadong tao. Hindi kumakalat ang virus sa pamamagitan ng pagkain, lalo na kung ito ay naluto.
* Tungkol naman sa mga package, ayon sa mga naunang pagsisiyasat ng mga ekspertong Tsino, hindi nabubuhay nang matagal ang virus sa mga bagay na tulad ng sulat, at package, kaya naman, ligtas na tumanggap ng package mula sa Tsina.
Tsismis: Ang pagkain ng bawang o Vitamin C ay nakakatulong sa pag-iwas sa virus.
* Ang bawang ay mabuti sa katawan at ginagamit ito ng mga Tsino bilang panlaban sa sipon, at mayroon din itong pamatay mikrobyong katangian, pero, walang ebidensya na ang pagkain ng bawang ay makakatulong magprotekta laban sa novel corona virus.
* Katulad din sa Vitamin C: marami ang naniniwala na kaya nitong pataasin ang panlaban kontra novel corona virus, pero, ayon sa mga eksperto, ito ay scientifically groundless.
* Ang Vitamin C ay isang food supplement lamang, at hindi alternatibo sa mga tunay na pagkain. Sa mga taong malusog, hindi kailangan ang pag-inom ng Vitamin C para makaiwas sa sakit. Ang kailanagan lamang ay balanseng nutrisyon.
* Sa pag-inom naman ng mainit o kumukulong tubig. Ito po ay isa ring kamalian. Bakit? Totoong ang novel coronavirus ay maaaring mamatay sa tubig na may temperaturang 56 degrees celcius sa loob ng 30 minuto. Pero, imposible para sa katawan ng tao na itaas ang temperatura nito sa 56 degrees celcius sa loob ng 30 minuto.
* Dagdag pa riyan, ang impeksyon ng novel corona virus ay nasa respiratory tract at hindi sa digestive tract. Kaya naman, ang pag-inom ng kumukulong tubig ay walang saysay, at magdudulot lamang ng pagkasunog ng lalamunan.
Tsismis: Maaaring maibigay ng impektadong buntis sa kanyang anak ang virus
* Hanggang sa ngayon, wala pang kumpirmadong kaso ng newborn coronavirus transmission.
* Ayon sa pg-aaral na isinapubliko sa medical journal na The Lancet noong Pebrero 12, 9 na buntis na impektado ng novel coronavirus ang nanganak at lahat ng sanggol ay malusog.
Tsismis: Ang pagsusuot ng dobleng mask ay makakatulong sa pagprotekta laban sa virus
* Ang pagsusuot ng dobleng mask ay walang saysay at maaaring magdulot ng kahirapan sa paghinga.
* Ang coronavirus ay may diametrong 10 nanometro, at kaya lamang lumutang sa hangin kung ito ay didikit sa mga aerosol, tulad ng talsik laway, na mas malaki kaysa 10 nanometro.
Kaya naman, kayang-kaya nang mapigilan ng isang disposable surgical mask ang mga aerosol na ito.
* Ang mga mask na gawa sa cotton o bulak ay walang saysay. Kahit masala nito ang virus sa labas na bahagi, ang mas malalaking pore o butas nito at kakayahan nitong sumipsip ng tubig ay maaari pa ring maging daan ng virus papunta sa inyong bibig at ilong.
SOURCE:
http://www.chinadaily.com.cn/a/202003/12/WS5e691ebba31012821727e4ac.html
https://www.chinadaily.com.cn/a/202003/12/WS5e69972aa31012821727e6e4.html
https://www.globaltimes.cn/content/1182345.shtml
https://www.globaltimes.cn//content/1177737.shtml
https://covid-19.chinadaily.com.cn/a/202003/10/WS5e66d17aa31012821727da47_4.html
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |