Sa pamamagitan ng video meeting, Miyerkules, Marso 11, 2020 sa Embahada ng Tsina sa Iraq, binigyang-patnubay ng grupo ng mga dalubhasa ng Red Cross Society ng Tsina (RCSC) ang mga bahay-kalakal na Tsino sa bansa para maisagawa ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Kalahok sa pulong ang mahigit 100 kawani ng mga kompanyang Tsino sa Iraq.
Kaugnay ng espesyal na kondisyon sa lokalidad, ipinaliwanag ng mga dalubhasa ang katangian ng novel corona virus, kalagayan ng epidemiya ng COVID-19 sa Iraq, pokus ng gawain ng pagpigil sa epidemiya at iba pang mahalagang detalye.
Saad ng mga dalubhasa, ang tumpak na kaalaman sa corona virus, pagpapataas ng kamalayan sa pagpigil sa epidemiya, at pagpapalakas ng pagpuksa sa epidemiya, batay sa seryoso't siyentipikong pakikitungo ay makakatulong sa pagpapababa ng panganib at pangangalaga sa kalusugan ng mga Tsino sa Iraq.
Salin: Vera