Sinabi Marso 12, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang "pandemic"na Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay komong hamon na kinakaharap ng buong sangkatuhan. Sa oras na ito, nararapat magpokus ang Amerika sa paglaban sa epidemiya at pagsusulong ng kooperasyon, sa halip ng pagpasa ng sisi sa Tsina at pagmumula sa pagsisikap ng Tsina. Ang ginagawang ito ng Amerika ay imoral at iresponsable, at walang anumang maitutulong sa paglaban sa epidemiya sa loob ng Amerika.
Sinabi ito ni Geng bilang tugon sa pananalita ni Robert O' Brien na sa harap ng COVID-19, mabuti ang mga ginagawa ng Amerika, pero mali ang hakbangin ng Tsina noong panahon ng pagsisimula ng epidemiya.
Salin:Sarah