Bilang tugon sa pagpapatibay kamakailan ng US House of Representatives ng "Taiwan Allies International Protection and Enhancement Initiative (TAIPEI) Act of 2019," ipinahayag nitong Huwebes, Marso 5, 2020 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing panukalang-batas ng Amerika ay malubhang lumalabag sa "prinsipyong Isang Tsina" at mga tadhana ng tatlong magkakasanib na komunike ng Tsina at Amerika. Grabe rin itong lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, at buong tindi itong tinututulan ng panig Tsino, ani Zhao.
Hinihiling ng naturang panukalang batas sa pamahalaang Amerikano na ayon sa kalagayan ng pagsasaayos ng ibang bansa ng relasyon sa Taiwan, isagawa nito ang mga katugong hakbanging tulad ng pagpapadami o pagbabawas ng pakikipag-ugnayang pangkabuhyan, panseguridad, at diplomatiko sa dayuhang bansa.
Salin: Lito