Ipinaalam nitong Huwebes, Marso 12, 2020 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos sa Marso 13 ang video conference ng Tsina at mga bansa ng Gitna at Silangang Europa hinggil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Ibabahagi ng panig Tsino sa 17 bansa sa Gitna at Silangang Europa ang mga impormasyon at karanasan hinggil sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Saad ni Geng, pagkaraang sumiklab ang epidemiya ng COVID-19, batay sa hayagan, maliwanag, at lubos na responsableng pakikitungo, napapanahong ipinaalam ng panig Tsino ang mga impormasyon sa mga kaukulang bansa't rehiyon na kinabibilangan ng mga bansa sa Gitna at Silangang Europa, tumugon sa pagkabalaha ng iba't ibang panig, at pinalakas ang kooperasyon sa komunidad ng daigdig sa paglaban sa epidemiya, upang magkasamang pangalagaan ang seguridad ng kalusugang pampubliko ng rehiyon at buong mundo.
Pinasalamatan din niya ang ibinigay na suporta at tulong ng mga pamahalaan at mamamayan ng Gitna at Silangang Europa sa paglaban ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa epidemiya.
Salin: Vera