Nangulo nitong Huwebes, Marso 12, 2020 si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa pulong ng leading group ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa pagharap sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Hiniling sa pulong na pabutihin ang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya at paggarantiya, ayon sa pagbabago ng kalagayan ng epidemiya sa magkakaibang lugar at antas. Dapat ding isagawa ang angkop na hakbangin para pigilan ang transnasyonal na pagkalat ng epidemiya.
Hiniling din sa pulong na dapat pag-ibayuhin ang pagbibigay-tulong sa mahihirap na mamamayan, pasulungin at pabilisin ang pagpapanumbalik ng trabaho' t produksyon, at komprehensibong panumbalikin ang normal na kaayusan ng produksyon at pamumuhay.
Salin: Vera