|
||||||||
|
||
Nitong nakalipas na ilang araw, kinaharap ng Italya ang kakulangan sa materyal at pasilidad na medikal sa gitna ng laban sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Tinawagan ni Ministrong Panlabas Luigi Di Maio ng Italya ang kanyang Chinese counterpart na si Wang Yi, para humingi ng tulong ng panig Tsino.
Ipinahayag ng panig Tsino na ipagkakaloob sa panig Italyano ang mga materyal na medikal na gaya ng mask, iluluwas ang mas maraming kinakailangang materyal at pasilidad, at ipapadala ang isang grupo ng Red Cross Society ng Tsina (RCSC) na bubuuin ng 7 boluntaryong dalubhasa, para tulungan ang Italya sa pagpuksa sa epidemiya.
"Walang bansa ng Unyong Europeo (EU) ang tumugon sa pananawagan ng Komisyon ng EU. Ang Tsina ang siyang tanging bansang rumisponde." Ito ang sinulat ni Maurizio Massari, Embahador ng Italya sa EU sa isang isinapublikong artikulo.
Sa katunayan, sa pandaigdigang aksyong laban sa epidemiya ng COVID-19, napakalaki ng ginawang pagsisikap at sakripisyo ng panig Tsino.
Sa pamamagitan ng mahigit isang buwang masigasig na pagsisikap, inilatag ng Tsina ang linyang pandepensa para sa pagpigil sa pagkalat ng epidemiya sa komunidad ng daigdig, at nagwagi ng mahalagang panahon para sa iba't ibang panig. Kasabay nito, napapanahon nitong ibinahagi World Health Organization (WHO) ang impormasyon ng viral gene sequence, at ipinaalam sa mga may kinalamang bansa't rehiyon ang impormasyong kaugnay ng epidemiya.
Napapatunayan ng mga hakbang ng Tsina na mapipigilan ang epidemiya ng COVID-19. Kung magbubuklud-buklod at magtutulungan ang iba't ibang bansa, saka lamang mababago ng sangkatauhan ang tunguhin ng epidemiya. Sa pandaigdigang kooperasyon laban sa epidemiya, hindi kailaman lumiban ang Tsina, at patuloy itong gagawa ng sariling ambag at pagsisikap.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |