Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[FB Live] Opisyal na Facebook Livecast hinggil sa COVID-19, Marso 15, 2020

(GMT+08:00) 2020-03-15 17:17:33       CRI

https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/1210915505966120/

PAKSA

1. Bagong datos at tulong ng Tsina sa mundo

2. Limang Tamang hakbanging isinagawa ng Tsina para mapigil ang COVID-19, na maaaring gayahin ng Pilipinas

 

UNANG PAKSA

* Patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nahahawa at namamatay kaugnay ng novel corona virus disease 2019 (COVID-19) sa mainland Tsina at mga teritoryo nito.

- 1,370, gumaling, Marso 14

- 66,911, pangkalahatang bilang ng gumaling

- 20, bilang ng bagong nahawa, Marso 14: 4 ang lokal na transmisyon mula sa Wuhan at 16 ang mula sa ibayong dagat.

- 80,844, pangkalahatang bilang ng nahawa

- 10, ang namatay (lahat mula sa Hubei), Marso 14

- 3,199, pangkalahatang bilang ng namatay

Ito ay dahil sa mga matitinding hakbangin na ginagawa ng Tsina, pagpupunyagi ng mga mamamayang Tsino at bentaheng pansistema ng pamahalaang Tsino.

Sa lalong madaling panahon, makikita ng mundo ang kumpletong pagpuksa ng Tsina sa virus na ito.

Sa kabilang dako, tumataas naman ang bilang ng mga apektado ng virus sa ibang mga bansa, tulad ng Pilipinas, Italya, Espanya, Iran, Iraq, Hapon, Timog Korea, Pransya, Alemanya, at marami pang iba.

Dahil dito, kahit abala ang Tsina sa pagharap sa sariling problema, hindi ito bumibitiw sa pagtulong sa ibang mga bansa.

* Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagsuporta sa mga bansang apektado ng virus, tulad ng Italya, Iran, Timog Korea, at Unyong Europeo (EU).

* Kamakailan ay idineklara rin ng Tsina ang pag-aabuloy ng $20 milyong dolyar sa World Health Organization (WHO) bilang tulong sa mga bansang may mahinang sistemang medikal.

* Mahigpit ding nakikipag-ugnayan at nagbibigay ng impormasyon ang mga ekspertong Tsino, sa pamumuno ni Dr. Zhong Nanshan sa WHO, Central Eastern European Countries (CEE), EU at African Union upang magbahagi ng kaalaman sa pagpuksa ng virus.

* Sa pamamagitan ng video conference, ibinigay na rin ng Tsina ang ika-7 bersyon ng treatment guidelines sa EU, ASEAN, SCO, Turkmenistan, Azerbaijan at Georgia.

* Maliban diyan, direkta ring nagbigay at nagbibigay ng tulong-medikal at pagbabahagi ng impormasyon at kaalaman ang Tsina sa mga bansang gaya ng PAKISTAN, JAPAN, SOUTH KOREA, IRAQ, IRAN, ITALYA, Cook Islands, Fiji, Kiribati, Micronesia, Niue, Papua New Guinea, Samoa, Solomon Islands, Tonga at Vanuatu.

* Naipadala na rin ang mga kagamitang medikal at ekspertong Tsino sa Iraq, Iran, at Italya.

IKALAWANG PAKSA

1. Mabilisang pag-implementa ng kuwarentina

* Ipinag-utos, Enero 23, 2020 ng pamahalaang Tsino sa lahat ng mga taga-Wuhan na huwag lisanin ang lunsod.

* Ito ay mahirap pero kinakailangang desisyon, pero nang madiskubre ang transmisyon sa pagitan ng mga tao, wala pang tatlong araw ay ipinag-utos na ito.

* Sa panahong iyon, walang nakakaalam kung ano ang konsikuwensiya ng nasabing desisyon. Ang lalawigang Hubei ay nasa gawing gitna ng Tsina, at ang Wuhan ay may mahigit 14 na milyong populasyon.

* Dagdag pa rito, sumailalim sa kuwarentina ang Wuhan, ilang oras bago ipagdiwang ang bisperas ng Chun Jie o Bagong Taong Tsino, pinakamahalagang pagdiriwang ng Tsina. Sa panahong ito nangyayari ang "chunyun," pinakamalaking taunang pagbibiyahe at migrasyon ng mga tao sa daigdig. At inaasahang 3 bilyong biyahe ang mangyayari sa panahong iyon para ipagdiwang ang Bagong Taong Tsino.

Ano kaya ang magiging resulta kung hindi inimplementa ng Tsina ang kuwarentina sa Wuhan?

2. Emergency hospitals, ginawa sa loob ng 10 araw

Kilala ang Tsina sa paggawa ng mga bagay sa mabilis na paraan, pero, ang pagtatayo ng ospital sa loob ng 10 araw ay isang kagila-gilalas na hakbang.

Sa kalakasan ng epidemiya sa Wuhan, punung-puno ang mga ospital sa lunsod at ang tanging pagpipilian ay - gumawa ng mas marami pang ospital.

Sa karaniwan, 6 hanggang 8 buwan ang kailangan para sa paggawa ng bagong ospital, pero ang unang pasilidad na ginawa ng Tsina sa Wuhan para pagsilbihan ang mga pasyenteng nasa grabeng kondisyon ay ginawa sa loob ng 10 araw. Ito ang Leishenshan at ito ay may kapasidad na 1,000 higaan at 30 intensive care unit (ICU).

Paano ito ginawa? Minobilisa ng Tsina ang sandatahang lakas at medikal na tauhang militar mula sa lahat ng sulok ng bansa para magawa ito.

Sa harap ng epidemiya, mabilis na aksyon laban sa virus ang dapat bigyan ng priyoridad. Ito ang aral sa hakbang na ito ng Tsina.

3. Self-quarantine sa loob ng 14 na araw

Dito sa Beijing, mayroon kaming istriktong "14-day self-quarantine rule."

Kapag ikaw ay nagkaroon ng kontak sa sinumang taong nagpunta sa Hubei, ikaw ay maku-kuwarentina sa loob ng 14 na araw.

* Kung ikaw ay nagbiyahe sa labas ng Beijing, ikaw ay maku-kuwarentina sa loob ng 14 na araw.

* Kung ikaw ay kasama sa bahay ng sinumang nagbiyahe sa labas ng Beijing, ikaw ay maku-kuwarentina sa loob ng 14 na araw.

* Kung ang temperatura mo ay lampas 37.3 degrees celcius, ikaw ay maku-kuwarentina sa loob ng 14 na araw.

* Kung may mga taong nagpositibo sa virus na malapit sa iyo, ikaw ay maku-kuwarentina sa loob ng 14 na araw.

* Pero bakit 14 na araw? Ito kasi ang pinakamahabang tanggap na incubation ng period, ayon sa expert's team ng Tsina.

4. Kontrol sa pang-araw-araw na aktibidad

* Kahit ang mga hindi nagbiyahe ay nagkaroon din ng pagbabago sa kanilang pang-araw-aaw na gawain.

* Isinara ang mga sinehan, parke, museo, galeriyang pansining, at iilan lamang na restawran ang naiwang bukas sa unang ilang linggo ng epidemiya.

* Ang mga nanatiling bukas ay mga convenience store at supermarket – pero, ang mga ito ay nasa ilalaim ng mahigpit na superbisyon. Ang pagsusuot ng mask sa mukha ay isang mahigpit na kahilingan.

* Bago makapasok sa isang nakabakod na pampublikong lugar, kailangang makuha muna ang iyong temperatura sa may tarangkahan o gate.

* Sa ilang komunidad o subdibisyon, kailangan ding mag-fill out ng form ang ilang residente hinggil sa mga lugar na pinunthanan, klase ng transportasyong pampubliko na sinakyan, at mga taong nakausap.

5. Trabaho mula sa bahay

* Alam ng pamahalaang Tsino na maaaring maapektuhan ng COVID-19 ang ekonomiya ng bansa, kaya naman, inimplementa ang pagtatrabaho mula sa bahay.

* At dahil sa posisiyang ito, hindi lamang pagtatrabaho sa bahay ang natutunan ng mga Tsino, lumakas din ang industriyang online shopping, at dito na rin ginagawa ang socialization.

* Sa harap ng kahirapan, iba-iba ang reaksyon ng ibat-ibang bansa. Pinili ng Tsina ang bilis o urgency sa harap ng epidemiya. Ang COVID-19 ay isang pandaigdigang banta sa Sangkatauhan, at ang bilis ng ating responde ay napakahalaga.

SOURCE:

https://www.chinadaily.com.cn/…/WS5e6d8…

https://www.globaltimes.cn/…/1182345.sh…

https://www.globaltimes.cn/…/1177737.sh…

http://www.ezhejiang.gov.cn/…/c_461698.…

http://www.xinhuanet.com/…/c_138877453.…

http://www.xinhuanet.com/…/c_138877453.…

https://filipino.cri.cn/…/13/102s166776.…

https://news.cgtn.com/…/Five…/index.html

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>