|
||||||||
|
||
Nitong nakalipas na mahabang panahon, paulit-ulit na nakita sa lipunan ng Amerika ang rasismo.
Ang pagsiklab ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay nagsilbing katuwiran at panggatong upang sulong ng ilang tao ang rasismo.
Ang komentaryong pinamagatang "China Is the Real Sick Man of Asia" na inilathala kamakailan sa pahayagang Wall Street Journal (WSJ) ng Amerika ay isang halimbawa.
Sa harap ng maraming beses na solemnang representasyon ng panig Tsino at unibersal na kondemnasyon ng komunidad ng daigdig, iniwasan ng mga kaukulang panig na gaya ng WSJ, Bard College kung saan nagtatrabaho ang mangangatha ng nasabing komentaryo, at Kalihim Mike Pompeo ng Estado ng Amerika ang kamalian ng WSJ, sa katwiran ng kalayaan sa pagsasalita.
Sa katunayan, natatakot at walang lakas-loob ang ilang tao sa Amerika na tumpak na pakitunguhan ang umiiral na rasismo sa lipunang Amerikano nitong nakalipas na mahabang panahon.
Ang umano'y kalayaan sa pagsasalita ng panig Amerikano ay nagsisilbing katwiran ng rasismo.
Higit pa riyan, ginagawang kagamitang pulitikal ng ilang Amerikano ang kalayaan sa pagsasalita, upang isagawa ang double standard, at sikilin ang karapatan ng mga taong may ibang pananaw.
Halimbawa, dahil hindi niya nagustuhan ang tanong ni Mary Louise Kelly, mamamahayag ng National Public Radio (NPR) ng Amerika kaugnay ng isyu ng Ukraine, nagalit si Pompeo kay Kelly.
Pagkatapos nito, inalis niya ang pangalan ng isang mamamahayag ng NPR sa listahan ng mga maaaring lumahok sa kanyang mga preskon.
Bukod dito, sapul noong 2018, kinansela ang press pass sa White House ng maraming mamamahayag ng Cable News Network (CNN) dahil sa pagharap ng umano'y sensitibong tanong.
Pinagbabawalan din silang sumali sa mga kaukulang aktibidad ng mga lider ng Amerika.
Sa katotohanan, ang umano'y kalayaan sa pagsasalita ng ilang pulitikong Amerikano ay tinatasa batay sa sarili nilang istandard.
Sa ilalim ng ganitong kapaligirang pulitikal, hindi kataka-taka ang paglapastangan at pagkiling ng WSJ.
Ang pagtatanging panlahi o rasismo ay parang lason sa anumang lipunan.
Kung isasagawa ng anumang media ang mga bagay-bagay na taliwas sa budhing moral, sa katwiran ng kalayaan sa pagsasalita, makakapinsala lamang ito sa kanilang sariling reputasyon at kinabukasan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |