|
||||||||
|
||
Sa isang magkakasanib na email na ipinadala nitong Huwebes, Pebrero 20, 2020 ng 53 kawani ng pahayagang Wall Street Journal (WSJ) sa Tsina, humiling sila sa mga mataas na opisyal ng pahayagang ito na baguhin ang titulo ng artikulong "China Is the Real Sick Man of Asia," at humingi ng paumanhin sa mga naagrabyado. Anang email, ito ay isang maling pamagat na gumalit sa maraming taong kinabibilangan ng mga mamamayang Tsino.
Pero ipinahayag nitong Sabado ng tagapagsalita ng Wall Street Journal na hindi nagbabago ang paninindigan ng kanyang pahayagan.
Kaugnay nito, muling ipinagdiinan nitong Lunes, Pebrero 24 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa harap ng insulto at paghamak, hinding hindi mananatiling tahimik ang Tsina. At kung igigiit ng pahayagan ang paninindigan nito, dapat maging handa ito sa anumang magiging kalalabasan.
Tinanong niyang may kahambugan ang WSJ na mang-insulto sa ibang panig, bakit wala itong lakas-loob na humingi ng tawad?
Sa kasalukuyang masusing panahon ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), ang kilos ng WSJ ay nagpadala ng isang mapanganib na signal: sa Amerika at ilang bansang kanluranin, muli nitong binuhay ang mga racist o mapangmatang pananalita na nakatuon sa Tsina o mga Tsino. Ito ay hindi lamang makakapinsala sa pagsisikap ng buong mundo para puksain ang epidemiya, kundi magsasapanganib din sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Dapat pag-isipan ng WSJ ang sariling pananalita't aksyon, at sagutin ang pahayag ng nasabing 53 kawani, ang Tsina, maging ang daigdig, sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon. Nawa huwag sirain nito ang sariling tatak at reputasyon na may mahigit 100 taong kasaysayan, at mawalan ng konsiyensya ng sangkatauhan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |