|
||||||||
|
||
Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang magha-hating gabi ng Marso 16, 2020, 16 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Samantala, 41 ang bagong pinaghihinalaang kaso, 14 ang bagong namatay, at 838 ang gumaling sa nasabing araw.
Kabilang dito, 12 ang bagong naangkat na kaso sa ibayong dagat.
Sa katulad na panahon, umabot sa 123 ang kabuuang bilang ng mga imported confirmed cases.
Ayon pa rin sa datos, hanggang kaninang magha-hating gabi, umabot na sa 80,860 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mainland ng Tsina, at 134 ang umiiral na pinaghihinalaang kaso.
Dagdag pa riyan, 67,749 ang pangkalahatang bilang ng gumaling, at 3,213 ang kabuuang bilang ng mga namatay.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |