|
||||||||
|
||
Inilabas Lunes, Marso 16, 2020 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina ang mga datos ng makro-ekomoniya.
Makikita sa nasabing mga datos, na mula noong Enero hanggang Pebrero, may kalakihan ang epektong dulot ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa takbo ng kabuhayan, pero sa pangkalahatang pananaw, pansamantalang kontrolado ang epekto ng epidemiya.
Sa kasalukuyan, napigil sa kabuuan ang tunguhin ng pagkalat ng epidemiya, at unti-unting bumubuti ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Malakas ang puntamental na garantiya sa pamumuhay ng mga mamamayan ng bansa, at nananatiling matatag ang pangkalahatang kalagayan ng lipunan.
Hindi rin nagbabago ang tunguhin ng pagbuti ng kabuhayan sa mahabang panahon.
Mula noong Enero hanggang Pebrero ng 2020, bumaba ng 13.5% ang added value ng industry above designated size, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Bumaba rin ng 13.0% ang production index ng industriya ng serbisyo ng buong bansa.
Sa kabilang dako, 5,213 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng tingian ng consumer products, at ito ay bumaba ng 20.5%.
Samantala, tumaas ng 5.3% ang Consumer Price Index (CPI) sa buong bansa kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.
Ayon sa nasabing kawanihan, sa susunod na yugto, dapat sama-samang pasulungin ang pagpuksa sa epidemiya at pagpapaunlad ng kabuhaya't lipunan, para mapaliit sa pinakamababang digri ang epekto ng epidemiya, mapanumbalik ang normal na kaayusan ng kabuhaya't lipunan, at mapasulong ang matatag at malusog na pag-unlad ng kabuhayan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |