Ayon sa impormasyong inilabas Martes, Marso 17, 2020 ng Pambansang Komisyon sa Reporma at Pag-unlad ng Tsina, mainam na naipapatupad ang pagpapanumbalik ng trabaho't produksyon ng mga bahay-kalakal na pinatatakbo ng puhunang Tsino at dayuhan sa buong bansa.
Ipinahayag ni Meng Wei, Tagapagsalita ng nasabing komisyon, na maliban sa iilang lalawigan na gaya ng Hubei, mahigit 90% ng mga bahay-kalakal sa karamihan ng mga lalawigan, rehiyong awtonomo at munisipalidad ang balik trabaho't produksyon na. Kabilang dito, muling nagbukas ang halos 100% malalaking kumpanya sa Zhejiang, Jiangsu, Shanghai, Shandong, Guangxi, Chongqing at iba pa.
Pagkaraang sumiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sa epekto ng maraming elementong gaya ng pagtigil ng transportasyon at logistics, pagliban ng mga kawani dahil sa kuwarentina, at kakulangan sa materyal para sa pagpigil sa epidemiya, nahaharap sa kahirapan ang pamamalakad ng mga kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan. Ayon kay Wu Hongliang, Pangalawang Direktor ng Departamento ng Puhunang Dayuhan ng naturang komisyon, kasabay ng walang humpay na pagbuti ng kalagayan ng pagpigil sa epidemiya, unti-unting napapanumbalik ang industry chain, napapahupa ang nabanggit na mga problema, at nagsisilbing normal ang operasyon at produksyon ng mga kompanyang pinatatakbo ng puhunang dayuhan.
Salin: Vera