|
||||||||
|
||
Lunes, Marso 16, 2020, nag-usap sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Giuseppe Conte ng Italya.
Diin ni Xi, naging mabunga ang pagpuksa ng Tsina sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa kasalukuyang yugto, at pinapabilis ng bansa ang pagpapanumbalik ng pag-unlad ng kabuhaya't lipunan.
Magpupunyagi aniya ang Tsina para ganap na pagtagumpayan ang epidemiya sa lalong madaling panahon, at bigyang-kompiyansa ang gawain ng pagpuksa sa epidemiya ng iba't ibang bansa.
Tinukoy ni Xi na buong tatag na kinakatigan ng panig Tsino ang mga ginawang hakbangin ng pamahalaan ng Italya sa pagharap sa epidemiya ng COVID-19. Aniya, ipapadala ng Tsina ang mas maraming dalubhasang medikal sa Italya, at ipagkakaloob hangga't makakaya ang saklolo sa mga aspektong gaya ng materyal na medikal.
Saad naman ni Conte, mabisang nakontrol ng mga isinagawang hakbangin ng pamahalaang Tsino ang epidemiya, na nagbigay lakas loob sa ibang bansa na kinabibilangan ng Italya, at nagkaloob ng mahalagang karanasan. Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Italyano, pinasalamatan ni Conte ang ibinigay na suporta at tulong ng panig Tsino sa Italya sa napakahirap na panahong ito.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |