|
||||||||
|
||
Nitong ilang taong nakalipas, walang batayang ipinapataw ng pamahalaang Amerikano ang mga limitasyon sa normal na pagbabalita ng mga media at mamamahayag na Tsino sa Amerika. Walang tigil ding pinapalala ang diskriminasyon at pulitikal na panggigipit sa mediang Tsino. Lalong lalo na noong Disyembre 2018, hiniling ng panig Amerikano sa mga media organizations na Tsino sa Amerika na magrehistro bilang "foreign agents," at noong Pebrero 2020, itinalaga ng panig Amerikano ang 5 tanggapan ng mediang Tsino sa Amerika bilang "foreign missions." Pagkatapos nito, isinagawa nito ang hakbangin ng pagbibigay-limitasyon sa bilang ng mga kawani ng nasabing 5 mediang Tsino na naglalayong "paalisin sa bansa" ang maraming Tsinong mamamahayag.
Kaugnay nito, agarang iniharap ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa panig Amerikano para ipahayag ang buong tinding pagtutol at buong higpit na pagkondena. Ipinagdiinan din nito ang angking karapatan ng pagsasagawa ng aksyon at hakbangin.
Ipinatalastas ng panig Tsino na mula Miyerkules, Marso 18, 2020, isasagawa ang mga counter measures sa panig Amerikano.
Una, bilang tugon sa pagtukoy ng panig Amerikano sa 5 mediang Tsino bilang "foreign missions," hinihiling ng panig Tsino sa mga sangay ng 5 mediang Amerikano na kinabibilangan ng Voice of America, New York Times, Wall Street Journal, Washington Post at Time na ideklara sa pamamagitan ng nakasulat na impormasyon, ang kanilang empleyado, kalagayang pinansyal, operasyon, at real estate assets sa Tsina.
Ikalawa, bilang tugon sa pagpapaalis ng panig Amerkano sa maraming kawani ng media entities ng Tsina, hinihiling ng panig Tsino sa mga Amerikanong mamamahayag ng New York Times, Wall Street Journal at Washington Post na mag-eexpire ang kanilang press credentials sa katapusan ng kasalukuyang taon, at sa loob ng 4 na araw mula Miyerkules, dapat silang makipag-ugnayan sa Departamento ng Impormasyon ng Ministring Panlabas ng Tsina at isauli ang kanilang press cards sa loob ng 10 araw. Sa hinaharap, ipagbabawal ang kanilang pagtatrabaho bilang mamamahayag sa Republika ng Bayan ng Tsina na kinabibilangan din ng Hong Kong at Macao special administrative regions.
Ikatlo, bilang tugon sa pagsasagawa ng panig Amerikano ng mga limitasyon sa mga mamamahayag na Tsino, isasagawa ng panig Tsino ang reciprocal measures sa mga Amerikanong mamamahayag.
Ang nasabing mga hakbangin ay napilitang isagawa ng panig Tsino bilang tugon sa mga walang batayang pag-atake at pagpigil ng panig Amerikano sa mga media entities ng Tsina sa Amerika. Ito ay ganap na lehitimo at makatwirang depensa sa sarili. Hinihimok din ng panig Tsino ang panig Amerikano na agarang iwasto ang kamalian nito at itigil ang pulitikal na pagpigil at walang batayang limitasyon sa mga mediang Tsino. Kung kikilos pa ang panig Amerikano alinsunod sa kanyang sariling kagustuhan, tiyak na isasagawa pa ng panig Tsino ang ibayo pang reciprocal countermeasures.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |