Sa kasalukuyan, lubos na pinapatingkad ng Tsina ang bentahe nito sa sistema upang puksain ang epidemiya ng novel coronavirus (2019-nCov). Pero dumungis si Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, sa naghaharing partido at sistema ng Tsina bilang "banta sa panahon".
Sa kasalukuyang pangkagipitang panahon ng pagpigil at pagkontrol ng Tsina sa epidemiya, ang pananalita ni Pompeo ay hindi lamang salungat sa humanitarian spirit, kundi lumikha rin ng hadlang sa pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Tangka niyang kidnapin ang kooperasyon ng dalawang bansa, sa pamamagitan ng sarili niyang kapakanang pulitikal.
Sa katunayan, sapul nang manungkulan bilang kalihim ng estado, madalas na dumungis sa Tsina si Pompeo, pero wala siyang mapanghikayat na patunay. Ang bentahe ng sistema ng Tsina ay lubos na napatunayan na ng katotohanan. Ang pagsisikap ng Tsina sa pagpuksa ng epidemiya ay nagpapakita rin ng bentahe ng sosyalistang sistemang may katangiang Tsino na pagpapauna ng mga mamamayan.
Batay sa bentahe ng sistema at pagpupunyagi ng lahat ng mga Tsino, may kompiyansa at kakayahan ang bansa na pagtagumpayan ang epidemiya ng coronavirus. Pagkaraang puksain ang epidemiya, tiyak na magiging mas maganda ang pag-unlad ng Tsina, at magpapatingkad ito ng mas malaking papel para sa pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Salin: Vera