Inaprobahan nitong Lunes, Marso 16, 2020 ang pagsisimula ng clinical test ng recombinant novel coronavirus vaccine na idinebelop ng grupo ni Chen Wei, Academician ng Academy of Military Medical Sciences ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina.
Sapul nang dumating ng Wuhan noong Enero 26, nagpunyagi ang grupo ni Chen Wei para sa pananaliksik at pagdedebelop ng recombinant novel coronavirus vaccine.
Isinalasay ni Chen sa mamamahayag ng China Media Group (CMG) na batay sa pandaigdigang istandard at mga batas at regulasyon sa loob ng bansa, handang handa na ang gawaing preparatoryo para sa ligtas, mabisa, de-kalidad, at malawakang pagpoprodyus ng bakuna.
Salin: Vera