Kailangang countermeasures ang mga hakbangin na isinagawa ng Tsina sa ilang mediang Amerikano sa Tsina, bilang tugon sa walang katwirang pagpigil ng Amerika sa mga mediang Tsino sa Amerika. Hinimok ang Tsina sa Amerika na agarang itigil ang aksyong ito, kung hindi, dudulutin nito ang mas malaking kapinsalaan sa Amerika.
Binigyan-diin ito Marso 18, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina. Sinabi niya na sapul nang lumitaw ang epidemiya ng Coronavirus disease (COVID-19), buong lakas na nagsisikap ang Tsina sa paglaban sa epidemiya, at natamo ang papuri ng komunidad ng daigdig. Kaya, walang katunayan ang pananalita ng Amerika na ang countermeasures ng Tsina ay naglayong pigilan ang pagsisiwalat ng mga impormasyon ng epidemiya ng Tsina sa labas.
Ipinahayag din ni Geng na hindi babago ang puntamental na patakarang Tsino ng pagbubukas. Sa mula't mula pa'y, winewelkam ng Tsina ang mga mediang dayuhan, at ipinagpakaloob din ng Tsina ang tulong sa kanila.
Salin:Sarah