|
||||||||
|
||
Ipinahayag kamakailan ni Gauden Galea, Kinatawan ng World Health Organization (WHO) sa Tsina, na sa pamamagitan ng komprehensibo at mahigpit na hakbangin ng pagpigil at pagkontrol, mabisang napigilan ng Tsina ang pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa loob ng bansa. Nakapag-ambag aniya ang Tsina para sa pakikibaka ng buong daigdig laban sa epidemiya. Aniya pa, dapat pag-aralan ng mga iba pang bansa ang karanasan ng Tsina sa usaping ito.
Sa kasalukuyan, sustenableng bumubuti ang situwasyon ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at wala ring tigil na tumitibay at bumibilis ang pagpapanumbalik ng normal na kaayusan ng produksyon at pamumuhay sa Tsina.
Ipinahayag ni Galea na ang mga isinasagawang hakbangin ng Tsina na gaya ng pagtiyak sa uri ng virus, pagbabahagi ng DNA sequence, pagsasagawa ng kuwarentina, at pagbuo ng sistema ng magkakasanib na pagpigil at pagkontrol, ay pawang napatunayang mabisa sa usaping ito. Ipinakikita ng Tsina sa buong daigdig na mapipigil at makokontrol ang epidemiya, dagdag niya.
Ayon sa WHO, sa kasalukuyan, natuklasan na ang epidemiya sa 159 na bansa't rehiyon.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |