|
||||||||
|
||
Inilabas nitong Miyerkules, Marso 18, 2020 sa website ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ang artikulong pinamagatang "Commissioner's Office Addresses FCC: China's Countermeasures are Legitimate, Fair and Reasonable."
Sa artikulo, ipinahayag ng tagapagsalita ng nasabing tanggapan ang mariing kawalang-kasiyahan at buong tatag na pagtutol kaugnay ng pananalita ng Foreign Correspondents' Club (FCC) ng Hong Kong hinggil sa ganting hakbangin ng panig Tsino sa pagsikil ng Amerika sa karapatan ng mga organisasyong pang-media ng Tsina sa Amerika.
Ayon sa naturang tagapagsalita, ipinagbabawal ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagbabalita ng ilang Amerikanong mamamahayag na nasa Republika ng Bayan ng Tsina na kinabibilangan ng Hong Kong at Macao.
Ito aniya ay kinakailangang sapilitang ganting hakbangin sa walang-katwirang pagsikil ng panig Amerikano sa karapatan ng mga organisasyon ng Chinese media sa Amerika.
Lehitimo at makatwiran ang desisyong ito, hindi ang Tsina ang nagpasimula at may-kagagawan ng ganitong hakbangin, dagdag niya.
Diin ng naturang tagapagsalita, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang pagmamalabis ng anumang puwersang panlabas sa kalayaan sa pagbabalita, upang makialam sa mga suliraning panloob ng Tsina at mga suliranin ng Hong Kong.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |