|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa pagtawag ni Pangulong Donald Trump ng Amerika sa novel coronavirus bilang "Chinese virus," sinabi nitong Miyerkules, Marso 18, 2020 ni Michael Ryan, Executive Director ng Health Emergencies Programme ng World Health Organization (WHO), na hindi nararapat iugnay ang virus sa lahi o rehiyon.
Ani Ryan, walang hanggahan ang virus, at hindi nito iniintindi ang anumang lahi, kulay ng balat at kayamanan.
Kaya, ang mga tao ay dapat mag-i-ingat sa paggamit ng mga pananalita, at iwasan ang pag-u-ugnay ng virus sa indibiduwal, aniya.
Dagdag ni Ryan, ang Hilagang Amerika ay pinagmumulan ng 2009 (H1N1) pandemic, pero hindi ito tinawag na "North American Flu."
Sa kasalukuyang panahon ng magkakasamang paglaban sa epidemiya, kailangang magbuklud-buklod at magtulungan ang mga tao, sa halip na pagbatikos sa sinuman, ani Ryan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |