Ipinahayag nitong Lunes, Marso 16, 2020 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO), na ang pagsibak ng pagkalat ng virus ay pinakamabisang paraan para sa pagpigil sa pagkahawa at pagliligtas ng mga buhay. Para rito, nanawagan siya sa iba't-ibang bansa na suriin hangga't makakaya ang bawat pinaghihinalaang kaso at palakasin ang pagkuwarantina sa mga kumpirmadong maysakit.
Sinabi niya na kahit sa mga maunlad na bansang may sulong na sistemang medikal at pangkalusugan, napakalaki pa ng mga kahirapan sa pagharap sa kalagayang epidemiko ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19). Lubos aniyang ikinababahala ng WHO ang pagkalat ng epidemiya sa mga low-income countries.
Salin: Lito