|
||||||||
|
||
Hanggang Marso 21, umabot sa 26,069 ang bilang ng mga bagong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo, at 1,600 ang namatay sa araw na ito.
Samantala, 151,293 naman ang pangkalahatang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Europa at 7,426 ang namatay.
Bukod dito, lumitaw din ang kaso ng COVID-19 sa 4 na bansang Aprikano tulad ng Madagascar, Angola, Eritrea at Uganda.
Ito ang pinakahuling balita ng World Health Organization (WHO).
Bukod dito, ayon sa balita ng Alemanya, nagsimula na ang isolation sa bahay ni Angela Dorothea Merkel, Chancellor ng Alemanya, dahil sa kontak niya sa isang doktor na nakumpirmang may COVID-19.
Nauna rito, isinasagawa na ng Alemanya ang bagong mas mahigpit na hakbangin sa pagpigil sa epidemiya.
Pinagtibay Marso 22 ng Pransya ang pangkagipitang resolusyon na magpapatupad sa 2 buwang pangkagipitang kalagayan ng pampublikong kalusugan sa bansa.
Ayon pa rin sa ulat ng British Broadcasting Corporation(BBC), namatay Marso 22 ang isang 18 taong gulang na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Britanya, at siya ang pinakabatang namatay sa COVID-19 sa Britanya.
Ipinatalastas din Marso 22 ang kumpirmasyong nahawahan ng COVID-19 si José Plácido Domingo Embil, kilalang mang-aawit ng Espanya.
Sa kasalukuyan, sinimulan na niya ang isolation.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |