|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayagang "The Independent" ng Britanya, pinuna ni Susan Rice, dating Tagapayo ng Pambansang Seguridad ng Amerika, si Pangulong Doland Trump sa pagpapabaya ng huli kaugnay ng kasalukuyang pandemic, kahit mayroong sapat na pagkukunan.
Binanggit ito ni Rice nang kapanayamin siya ng American Cable News Network (CNN). Minsa'y napatingkad ni Rice ang masusing papel sa pagharap ng pamahalaan ni Barack Obama sa Ebola virus crisis. Sa panahong transisyonal, ipinagbigay-alam ni Rice sa mga incoming Trump officials ang tungkol sa posible muling pagsiklab ng pandemic.
Ani Rice, batid ng kanyang grupo na ito ay isang grabe at malapit na panganib. Dahil dito, sa pamumuno ng pamahalaan ni Obama, itinatag ng Amerika ang tanggapan para sa pandaigdigang kaligtasang pangkalusugan at bio-depensa.
Ngunit, noong taong 2018, ipinasiya ng pamahalaan ni Trump na buwagin ang tanggapang ito, bagay na itinuturing na isang sanhi ng pagiging mabagal ng reaksyon ng kasalukuyang pamahalaang Amerikano sa pagharap sa pagsiklab at pagkalat ng corona virus.
Bukod dito, nang depensahan ang sarili tungkol sa mabagal na reaksyon ng kanyang pamahalaan, sinabi ni Trump na ang pagkalat ng corona virus crisis ay isang "di-inaasahang problema." Tungkol dito, ipinahayag ni Rice na "mali" ang sinabi ni Trump. Dapat aniyang pabutihin ng pamahalaan ni Trump ang paghahanda para sa epidemiya, at nag-iwan aniya ang pamahalaan ni Obama ng sapat na pondo sa kasalukuyang pamahalaan para sa usaping ito.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |