Tinawag kamakailan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) bilang "Chinese virus" na nakakatawag ng pagpuna ng iba't-ibang personalidad ng bansang ito.
Nitong Miyerkules, Marso 18, 2020, ipinahayag ni Hillary Clinton, dating Kalihim ng Estado ng Amerika, na ang binitawang racist comment ni Trump ay naglalayong takpan ang kapabayaan ng kanyang tungkulin sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya. Pinuna rin niya si Trump na hindi niya matimtim at agarang hinarap ang pandemic ng corona virus at hindi pinabuti ang paghahanda sa pagharap ng Amerika sa krisis.
Ayon pa sa artikulong ipinalabas ng New York Times kamakailan, sinabi nito na sa loob ng dalawang buwang nakalipas, palagiang pinabulaanan ni Trump ang kalubhaan ng corona virus, at ipinagkaloob din niya ang mga maling impormasyon sa publiko.
Salin: Lito