Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagpapauna ng mga politikong Amerikano sa kayamanan, maliwanag na nakikita sa panahon ng epidemiya

(GMT+08:00) 2020-03-23 15:28:57       CRI

Si Richard Burr, chairman of the Senate Intelligence Committee ng Amerika at miyembro ng Health Commission

Hanggang nitong Biyernes ng umaga, Marso 20 (American Eastern Standard Time, EST), umabot sa 14,250 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika. Ito ay lumaki ng 950 ulit sa loob ng 3 linggo.

Kasabay nito, inilihim at di-iniulat ni Richard Burr, chairman of the Senate Intelligence Committee ng Amerika at miyembro ng Health Commission ng bansa ang kalagayang epidemiko. Ginamit din niya ang mga di-publikong impormasyon sa pagbenta ng kanyang pabagsak na stocks, bagay na nakatawag ng malawakang galit mula sa publiko.

Sa panahon ng epidemiya, regular na natatanggap ni Richard Burr ang araw-araw ang ulat tungkol sa kalagayang epidemiko at nakuha niya ang maraming klasipikadong impormasyon. Ngunit ginamit niya ang bentaheng ito, inilihim at mabagal niyang iniulat ang kalagayang epidemiko para pagserbisyuhan ang kanyang sariling kapakanan. Ayon sa imbestigasyon ng "New York Times," ilang linggo bago bigla at grabeng bumagsak ang stock market, agaran itong nalaman ni Burr at mabilis niyang ibinenta ang kanyang stock sa loob ng isang araw, noong Pebrero 13.

Bukod dito, noong Pebrero 27, opsyonal na ipinagkaloob ni Burr ang kaukulang impormasyon sa kanyang campaign donor. Pagkatapos ng 13 araw, tinanggap ng mga mamamayang Amerikano ang isinapublikong travel advisory ng Kagawaran ng Estado na huwag maglakbay sa Europa. Sa panahong iyon, hindi ipinalabas ni Burr ang anumang babala sa publiko, at sinabi niyang "low threat" lamang ang kinakaharap ng mga mamamayan. Dahil dito, nawalan ng pagkakataon ang publiko na depensahan ang sarili.

Sa panahon ng epidemiya, naibunyag din ang gawain ng ilan pang politikong Amerikano katulad ni Burr. Di-kukulangin sa 3 pang senador Amerikano na nasa mahalagang posisyon, ang may kaso na paggamit ng di-publikong impormasyon at agarang pagbebenta ng kanilang stock bago sumadlak sa kahirapan ang stock market ng Amerika. Sa kasalukuyan, di pa malaman kung ilan pang politikong Amerikano ang nagsara ng kanilang bibig kahit nauunawaan nila ang panganib ng epidemiya.

Sa isang banda, tumalikod ang elite class, at sa isa pang dako ay mga mamamayang Amerikano na di-alam ang katotohanan. Sinira ng ilang politikong Amerikano ang kompiyansa ng merkado para sa kanilang sariling interes. Para sa mga karaniwang mamumuhunan, tinamaan sila ng 4 na beses na "trading curb" ng American stock sa loob ng 14 na araw lang. Habang malalim na nasasadlak ang merkado sa takot at kawalang-katiyakan, pokus pa rin ng isinasagawang patakaran ng Amerika ang pagliligtas ng merkado sa halip ng pagliligtas ng mga tao. Hanggang sa ngayon, marami ang problema sa iba't-ibang estado ng Amerika dahil sa kakulangan sa mga medikal na materiyal at kahirapan sa pagsusuri. Ayon pa sa imbestigasyon ng "New York Times," mas madaling nasusuri ang mga mayaman at kilalang mamamayang Amerikano kaysa sa mga karaniwang tao.

Parang salamin ang epidemiya na nagbubunyag ng mapagkunwaring mukha ng ilang politiko at nagpapakita ng tunay na layunin ng ilang bansa, at kung sino talaga ang kanilang pinaglilingkuran. Alin ba ang priyoridad, buhay o kayamanan?

Nagbigay na ng kanilang sagot ang ilang politikong Amerikano, sa agaran nilang pagtalikod sa mga mamamayan.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>