Nag-usap sa telepono Marso 23 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya.
Ipinahayag ni Xi ang pakikiramay at suporta sa Pransya sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Sinabi din niyang nakahanda ang Tsina na ipagkaloob ang suporta at tulong sa Pransya.
Ibinahagi ni Macron ang kasalukuyang kalagayan ng epidemiya sa loob ng Pransya at mga hakbangin na isinagawa ng Pransya para pagpigil ang epidemya ng COVID-19. Taos pusong pinasalamatan niya ang tulong na ipinagkaloob ng Tsina sa Pransya.
Sinang-ayunan ng dalawang lider na panatilihin ang mahigpit na kooperasyon at pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa para igarantiya ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Pransya sa mataas na antas.
Salin:Sarah