Ayon sa pinakahuling datos ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, hanggang hating gabi ng Marso 25, 2020, 47 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland, at ang lahat ng mga ito ay galing sa ibayong dagat.
Samantala, 33 ang bagong pinaghihinalaang kaso sa araw na ito.
Ayon pa rin sa datos, hanggang kaninang magha-hating gabi, umabot na sa 81,218 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland.134 ang umiiiral na pinaghihinalaang kaso.
Dagdag pa riyan, 73,650 ang pangkalahatang bilang ng gumaling, at 3,281 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw na.
Salin: Vera