Nitong Sabado, Marso 21, 2020, sa espesyal na programang pinamagatang "Global Epidemic Consultation Room" ng China Global Television Network (CGTN), sangay ng China Media Group (CMG),idinaos ang isang video meeting na dinaluhan ng mga doktor na Tsino na minsa'y nagbigay-tulong sa lunsod Wuhan, at mga doktor mula sa Princeton University ng Amerika. Nagpalitan sila ng kuru-kuro tungkol sa plano ng panggagamot sa mga maysakit, pagbibigay-tulong sa mga tauhang medikal na nasa unang hanay upang humupa ang kanilang presyur at pag-aalaala.
Ang "Global Epidemic Consultation Room" ay isang produksyon ng CGTN kung saan iniimbitahan ang mga doktor na Tsino at dayuhan para ibahagi ang kani-kanilang karanasan sa pakikibaka laban sa epidemiya.
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), hanggang noong Marso 23, lumampas na sa 300 libo ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong daigdig. Sa kalagayang ito, nagiging mas mahalaga ang pandaigdigang kooperasyon sa usaping ito. Ang nasabing programa ay lubos na pinapurihan ng mga dayuhang doktor.
Salin: Lito