|
||||||||
|
||
Sa pulong ng mga ministrong panlabas ng G7 na ginanap nitong Miyerkules, Marso 25, 2020, ang pagkalat at pagpuksa ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay nagsilbing pangunahing paksa.
Sang-ayon ang mga kalahok na ministrong panlabas na magbuklud-buklod at magtulungan, upang mapigil ang pagkalat ng virus.
Pero hindi nagkasundo ang panig Amerikano at Europeo, habang iminumungkahi ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, na tawaginang coronavirus bilang "Wuhan virus."
Dahil dito, walang inilabas na magkakasanib na pahayag ang nasabing pulong.
Samantala, ang mungkahi ni Pompeo ay mariing binatikos ng mga dating mataas na opisyal at iskolar ng Amerika.
Si Susan Rice, dating Asistante ng Pangulong Amerikano sa mga Suliranin ng Pambansang Katiwasayan
Si Ben Rhodes, dating Pangalawang Asistante ng Pangulong Amerikano sa mga Suliranin ng Pambansang Katiwasayan
Si Ivo Daalder, dating Embahador ng Amerika sa North Atlantic Treaty Organization (NATO)
Si Brett McGurk, dating Pangalawang Asistante ng Kalihim ng Estado ng Amerika
Si Vali Nasr, Senior Fellow ng Brookings Institution ng Amerika
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |