Sa G20 Extraordinary Virtual Leaders' Summit hinggil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic, ipinahayag ni Kristalina Georgieva, Presidente ng International Monetary Fund (IMF), na sa pagharap sa epidemiya ng COVID-19, pinahahalagahan ng maraming bansa ang pagkakaloob ng suportang pinansyal sa mga bahay-kalakal at pamilya, upang suportahan ang pagbangon ng kabuhayan, at mabisang harapin ang mga hamong gaya ng debt overhang at paghinto ng kalakalan.
Samantala, nagbabala ang IMF sa mga panganib na kinakaharap ng mga bagong sibol na pamilihan at umuunlad na bansa na dulot ng epidemiya. Ang nasabing mga panganib ay kinabibilangan ng panganib sa kalusugang pampubliko, biglaang paghinto ng kabuhayang pandaigdig, paglabas ng kapital at iba pa.
Salin: Vera