|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Dumalo Huwebes ng gabi, Marso 26, 2020 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa G20 Extraordinary Virtual Leaders' Summit hinggil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sa kanyang talumpati sa summit, diin ni Xi, sa harap ng biglaang pagsiklab ng epidemiya ng COVID-19, sa mula't mula pa'y ipinapauna ng pamahalaang Tsino ang kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.
Aniya, pagkaraan ng masigasig na pagsisikap at napakalaking pagsasakripisyo, sa kasalukuyan, tuluy-tuloy na bumubuti ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa loob ng bansa, at mabilis na napapanumbalik ang kaayusan ng produksyon at pamumuhay.
Saad ni Xi, sa pinakamahirap na panahon ng panig Tsino, nagbigay ng matapat na tulong at suporta sa Tsina ang maraming miyembro ng komunidad ng daigdig. Palagiang tinatandaan at pinahahalagahan aniya ng Tsina ang ganitong pagkakaibigan.
Ani Xi, ang malubhang nakahahawang sakit ay komong kaaway ng buong sangkatauhan. Ang pagkalat ng COVID-19 pandemic ay nagbunsod ng napakalaking banta sa kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan, at nagdulot din ng napakalaking hamon sa seguridad ng pandaigdigang kalusugang pampubliko.
Tinukoy ng pangulong Tsino na sa kasalukuyan, kailangang-kailangan ang pagpapatibay ng kompiyansa ng komunidad, pagbubuklud-buklod, at komprehensibong pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig, para magkakasamang pagtagumpayan ang epidemiya.
Kaugnay ng paksa ng nasabing summit, iniharap ni Pangulong Xi ang apat na mungkahi:
Una, magkakasamang magpupunyagi ang buong mundo, para buong lakas na puksain ang COVID-19 pandemic.
Ika-2, mabisang isasagawa ang magkakasanib na aksyong pandaigdig, para pigilan at kontrulin ang epidemiya.
Ika-3, aktibong kakatigan ang pagpapatingkad ng mga organisasyong pandaigdig ng sarili nilang papel.
At Ika-4, palalakasin ang pandaigdigang koordinasyon ng patakaran sa makro-ekonomiya.
Ipinagdiinan ni Xi na sa kasalukuyang masusing panahon, dapat direktang humarap sa hamon, at mabilis na umaksyon. Nananalig aniya siyang kung magtutulungan ang iba't ibang bansa, tiyak na pagtatagumpayan ang epidemiya, at sasalubungin ang mas magandang kinabukasan ng pag-unlad ng sangkatauhan.
Ang naturang virtual summit ay itinaguyod ng Saudi Arabia, tagapangulong bansa ng G20 sa kasalukuyang taon. Layon nitong pasulungin ang kooperasyong pandaigdig, upang harapin ang COVID-19 pandemic, at patatagin ang kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |