|
||||||||
|
||
Isang editoryal ang lumabas sa dyaryong Financial Times ng Britanya nitong Huwebes, local time, Marso 26, 2020 na pinamagatang "The White House has fumbled its response to the virus."
Sinabi nito na bagama't nananalig ang mga eksperto ng White House na darating ang peak ng COVID-19 pandemic sa Mayo, umaasa si Pangulong Donald Trump na mapapanumbalik ang produksyon sa bansa sa Abril 12. Dahil ang araw na ito, ani Trump, ay isang "magandang araw".
Upang mabawasan ang pagkalat ng virus, iniharap ng mga ekspertong pangkalusugan ang mahigpit na polisiya ng kuwarantina sa bahay, ngunit hangad ni Trump ang pagbalik ng ilang milyong tao sa kanilang trabaho na posibleng itulak ang Amerika sa ikalawang mapanganib na panahon ng pagkalat ng virus.
Anang editoriyal, nabunyag ng epidemiko ang mga problema ng Amerika sa mga aspektong gaya ng pangangasiwa ng pamahalaan, at paggarantiya sa kabuhayan at lipunan.
Bukod dito, nagbabala ang World Health Organzation (WHO) na bilang pinakamalaking ekonomiya sa buong daigdig, posibleng maging bagong epicenter ng pandemic ang Amerika. Dapat isabalikat ng pamahalaan ni Trump ang kaukulang responsibilidad, anang editoriyal.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |