|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat Marso 29 na ipinalabas ng World Health Organization (WHO), lampas na sa 30 libo ang lahat ng namatay dahil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Hanggang Marso 29, umabot sa 638,146 ang lahat ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at 30,105 ang namatay.
Apektado ng epidemiya ang 202 bansa at rehiyon.
Ipinahayag din Marso 27 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng World Health Organization (WHO), na kailangan ang 12 hanggang 18 buwan upang matapos ang pananaliksik sa bakuna laban sa COVID-19.
Kasabay nito, pumasok na sa mga klinikal na pagsubok ang mga kandidatong bakuna laban ng Tsina laban sa COVID-19.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |