Si Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng WHO
Sa isang regular na preskong idinaos sa Geneva nitong Biyernes, Marso 20, 2020 local time, ipinahayag ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor-Heneral ng World Health Organization (WHO) na ang pag-uulat ng walang bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa lunsod Wuhan, probinsyang Hubei ng Tsina, ay nagbibigay ng pag-asa at katapangan sa iba pang lugar ng daigdig. Ipinakikita aniya nito na maaaring mapigil at makontrol ang kalagayang epidemiko kahit sa lugar na pinakamalubhang apektado ng epidemiya.
Tinukoy pa niya na sa kasalukuyan, kulang pa ang personal protective equipment sa daigdig, at magkakaloob ang WHO ng suporta sa iba't-ibang bansa.
Salin: Lito