Sa G20 Extraordinary Virtual Leaders' Summit hinggil sa COVID-19 pandemic na ginanap noong Marso 26, 2020, iminungkahi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na koordinahin ang puwersa ng iba't ibang bansa, at magkakasamang pabilisin ang siyentipikong pananaliksik sa mga aspektong gaya ng gamot, bakuna at pagsusuri, upang matamo sa lalong madaling panahon ang breakthrough na makakapaghatid ng benepisyo sa buong sangkatauhan.
Ayon sa impormasyon ng Ministri ng Siyensiya't Teknolohiya ng Tsina, isinagawa na ng mga bahay-kalakal na Tsino ang kooperasyon sa mga kompanya ng Amerika, Alemanya, Britanya, Pransya at iba pang bansa, para magkakasamang idebelop ang bakuna.
Kasabay nito, ipinagkakaloob ng Tsina ang saklolong medikal at materyal sa iba't ibang bansa, ipinapadala ang mga grupong medikal, at ibinabahagi sa mga doktor ng ilang bansa ang karanasan sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya at panggagamot sa mga pasyente.
Walang hanggahan ang epidemiya, at may komong kapalaran ang buong sangkatauhan. Tulad ng sabi ni Pangulong Xi, sa harap ng epidemiya, kailangang-kailangan ng komunidad ng daigdig ang pagpapatibay ng kompiyansa, pagbubuklud-buklod, at komprehensibong pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig, para magkakasamang pagtagumpayan ang epidemiya, at salubungin ang mas magandang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Vera