|
||||||||
|
||
Sa news briefing Lunes, Marso 30, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, tinukoy ni Xin Guobin, Pangalawang Ministro ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina, na hanggang noong Marso 28, napanumbalik na sa trabaho ang 98.6% ng mga industrial enterprises above designated size sa buong Tsina.
Aniya pa, napatuloy naman ang operasyon ng 76% ng mga katamtaman at maliliit na bahay-kalakal.
Samantala, bumalik na sa operasyon ang halos lahat ng mga bahay-kalakal sa mga malaking probinsyang industriyal na gaya ng Guangdong, Jiangsu, Zhejiang at Shandong, dagdag niya.
Sa kabilang dako, ngayong Marso, mas mabuti aniya kaysa nagdaang 2 buwan ang kalagayan ng takbo ng kabuhayang industriyal sa maraming lugar sa bansa, at matatag na bumbangon ang capacity utilization ng ilang industriya.
Nananatiling mabilis din ang paglago ng produksyon ng mga materyal para sa pagpigil sa epidemiya, kinakailangang kagamitan sa pamumuhay, at mga produktong agrikultural, diin niya.
Aniya, lumago ang produksyon ng ilang hay-tek na produkto.
Pagpasok ng Marso, idineklarang pandemic ang Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at ang ganitong kalgayan ay tiyak na magbubunga ng may kalakihang epekto sa industry chain at supply chain ng Tsina.
Dagdag ni Xin Guobin, mahigpit na susubaybayan ng kanyang ministri ang pagbabago ng kalagayan, at napapanahong gagawin ang katugong paghahanda, para mapataas ang katatagan ng industry chain at supply chain ng buong mundo.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |