|
||||||||
|
||
Kinumpirma Lunes, ika-30 ng Marso, 2020 ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas na ayon sa kahilingan ng Pamahalaang Pilipino, ipapadala ng Pamahalaang Tsino ang grupo ng ekspertong medikal sa Pilipinas sa lalong madaling panahon para tulungan ang bansa sa laban nito kontra epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Nang araw ring iyon, nag-usap sa telepono sina Embahador Huang at Kalihim Francisco Duque III ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ng Pilipinas tungkol sa kooperasyon ng dalawang bansa sa paglaban sa epidemiya ng COVID-19.
Sinabi ni Huang na ang magiging pangunahing gawain ng grupong medikal ng Tsina ay kinabibilangan ng pagkakaloob ng mga mungkahing teknikal sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya at pagbabahagi ng mga karanasan.
Sinabi pa niyang patuloy na pahihigpitin ng Embahadang Tsino, ang kooperasyon sa DOH at iba pang mga may kinalamang panig, para maigarantiya ang kaayusan ng gawain ng naturang grupong medikal ng Tsina.
Hinangaan at pinasalamatan naman ni Duque ang suporta at tulong ng Tsina sa Pilipinas sa paglaban sa epidemiyang ito.
Ipinahayag niyang buong sikap na igagarantiya ng DOH ang kaayusan ng mga gawain ng grupong medikal ng Tsina.
Ulat: Ernest
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |